Saturday, October 16, 2010

Disaster Response Task Groups ng Navy Nakaalerto Para kay “Juan”

By: LIEUTENANT COLONEL EDGARD A AREVALO PN(M)
Director, Naval Public Affairs Office

Saturday, 16 October 2010

Nakaalerto na simula kahapon, 15 October 2010 ang mga Disaster Response Task Groups (DRTG) ng Philippine Navy sa pagdating ng bagyong si “Juan”. Ang mga DRTG na ito ay nasa Naval Forces Northern Luzon (NFNL) na nakabase sa La Union, Naval Forces Southern Luzon (NFSL) sa Legaspi City, at ang Fleet-Marine Ready Force (FMRF) na nakasasakop sa Metro Manila.

Sa Northern Luzon area ay may nakaantabay na tatlong teams na i-de-deploy pag kinakailangan. Dalawa sa teams na ito ay nasa NFNL Headquarters samantalang ang ikatlong team ay nasa Naval Detachment Bonoan. Ang team na ito ay kinabibilangan ng mga naval reservists na inaasahang ogmentasyon ng regular forces ng Philippine Navy. Kada team ay may 10 katao at may kanya-kanyang rubber boat at iba pang life-saving equipment.

Samantala, dalawa ring teams ang nakaantabay ngayon sa Naval Education and Training Command sa San Antonio, Zambales na handang tumugon sa ating mga kababayang maapektuhan ni “Juan”.

Bukod pa dito ay may tatlong teams ang nakaalerto ngayon sa Legaspi City na i-de-deploy sa Camarines Sur at shorelines ng Legaspi City. Ang barkong PG-374 ay handa ring i-deploy sa oras ng pangangailanga sa lugar ng Catanduanes at Albay. Mayroon din tatlo pang teams ang nakaalerto sa Infanta, Quezon na kinabibilangan ng 10 Sailors at Marines kada team. Katulong rin ng Navy sa Infanta ang mga naval ROTC cadets sa lugar. Kasama rin nila ang isang team ng Navy Seals.

Sa Maynila naman, nagsagawa ng preparasyon ang mga teams na nakabase sa Naval Reserve Command sa Intramuros. May dalawang teams na kinabibilangan ng 10 katao ang naghanda na ng kanilang rubber boats, trailer trucks, M35 trucks, at iba pang life-saving equipment. Bukod dito ay may 20 reservists ang naka-standby sa Navotas.

Apat namang teams sa pamumuno ng FMRF ang nakahanda ngayon sa PMC Headquarters at Seabees, Ft Bonifacio at Philippine Fleet, Cavite City. May minimum na 10 teams at maximum na 20 teams na kinabibilangan ng 24 officers at 159 enlisted personnel. Mayroon silang 9 rubber boats, 10 M35 trucks, 3 LARC, 2 ambulance, 1 amphibian truck, at 1 communications van.

Ang Philippine Navy ay patuloy na nagmomonitor sa magiging kaganapan kaugnay ng napabalitang Super Bagyo at handang tumulong sa ating mga kababayan. Hinihimok namin ang ating mga kababayan sa mga naturang lugar na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga kinauukulan upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

No comments:

Post a Comment